If I could only control time, I’d go back to the moment when we first met. Not to change everything but to experience it all over again..
Dalawang buwan na ang nakakalipas magsimula nung naghiwalay kame. Ang bilis dumaan ng mga araw. Alam mo kung ano ung masakit? MAHAL NA MAHAL KO PARIN SIYA, KAHIT DI NA NIYA KO MAHAL. Yung pagmamahal niya, yun ung isang bagay na handa akong gawin lahat maramdaman lang ulit.
March 22, 2012. May nag tag ng picture saken..

Ohmy. ;( yan lang ang nasabi ko after ko makita yan. Kahit ganyan lang yan, na magkatabi lang yung pangalan naming dalawa, nanginig ako, nanghina, kinabahan, at higit sa lahat nakaramdam ako ng kirot muli sa puso ko. :| Biglang tumulo ang luha ko. Hayy, ang sakit pa pala. Akala ko kasi medyo okay na, akala ko kasi kaya ko na siyang kalimutan, akala ko kasi masaya narin ako kahit wala siya. Hindi pa pala. Mahal na Mahal ko pa pala siya.
Mahal na Mahal parin kita, kahit alam kong hindi na dapat. ~~~

September 17, 2011 nung naging kame, pero October 20 pa kame nag In a Relationship. :)
Andito parin ung mga posts at comments nya sa Facebook ko:


Akala ko ba you’re always right there? Pero bakit ngayon iniwan mo ko? -__-



“Sige ba sure.” Pero Nauwi din lahat sa WALA.

Kanta namin to para sa isa’t isa. </3

Pwede bang ako naman ulit ang magsabi nyan? Gusto kong maging masaya ulit sa piling mo. :|


I love you still Beyb. :(

Eto, ung unang post nya sa wall ko. At lagi nyang sinasabi saken.. “Hanggang Mamatay.”
Sobrang miss na miss ko na siya. Hinahanap hanap ko parin talaga yung mukha, ngiti, boses, tawa mo. Lahat lahat. Kung may uulitin ako sa buhay ko, gusto kong ulitin ung ARAW na nakilala kita. Kahit ilang beses. Khit paulit-ulit. Kahit habangbuhay pa..
“HINDING HINDI KITA IIWAN”
Sana hindi mo na lang sinabi ang mga salitang yan kung hindi mo naman pala kayang panindigan. Madaya ka eh, iniwan mo ko sa ere. Nasaan na yung sinabi mo noong FOREVER? Nasaan na yung IKAW lang at AKO hanggang sa huli? Nasaan na?
Hindi ko na matandaan ung iba pang mga nangyari, basta ang alam ko ginawa ko lahat para wag siyang mawala. OO NAGMAKAAWA AKO. Ilang beses ako humingi ng sorry, humingi ako ng isa pang pagkakataon sakanya pero matigas siya. Sinabi ko na hindi ko kaya, pano na ko pag wala siya? Pero wala padin.
Oo nung mga nakaraan naisip ko ring makipaghiwalay sa kanya, dahil nga sobrang gulo na namin. Pero naisip ko, grabe kasi ang mga napagdaanan namin. Hindi biru-biro. Ang naging relasyon kasi namin ay hindi pangkaraniwan, complicated siya. At hindi kami nagpatalo sa mga complications na yun.
Pero ayaw na niya, buo na pala ang desisyon niya. Yung inakaala ko na ok na kami, as isang MALAKING MALING AKALA pala. Hinding hindi ko makakalimutan ang araw na yon. Dahil nakakahiya mang sabihin, pero yun ang araw na iniwan ako ng taong pinakamamahal ko.
Ilang beses kong sinubok na bumalik sa kanya pero natatakot akong mareject sa pang-ilang beses na pagkakataon.
Nakakalungkot isipin na ang dating matamis na pagmamahalan ay nauwi sa siraan. Hindi ko nakakalimutang may mali ako, handa akong itama lahat ng yun. Kaya kong tanggapin lahat. Pero ung sabihin niyang niloko ko siya? Hinding hindi ko yun kayang gawin sakanya. Gustong gusto ko man siyang kausapin para malinaw ang lahat pero hindi niya yun papayagang mangyari. Binura na niya ko sa Facebook, deleted narin number ko sa kanya, in short binura na niya ko sa buhay niya.
At sa sobrang sama ng loob niya, umabot na dun sa point na nagkasiraan na. Ang sakit na sa kanya pa mismo nanggagaling ung mga salitang yun. Hindi ako makapaniwala, hindi ko siya ganun nakilala.
Alam mo yung feeling na para kang binagsakan ng langit? Grabe kasi sa sakit. Na para bang sa mga narinig kong yun, para bang ang sama sama kong tao. Na para bang napakarami kong pagkukulang. Na para bang napakawalang kwenta ko. ANG SAKIT. Ngayon kung inaalala ko may sakit parin, pano pa kaya nung mga oras na yun?
Sa totoo lang kapag iisipin ko siya, may nafi-feel parin akong sakit. Parang bumabalik ang lahat ng makabasag pusong pictures na nakita ko, mga salitang sinabi niya na talaga namang nagwasak sa buhay ko, ang desisyon niya na nakapagpabago ng lahat ng mga nakasanayan ko.

Katulad nung sulat at drawing na binigay niya saken, sinubukan ko ring burahin tong picture na to. Pero hindi ko magawa. Feeling ko kase eto nalang ang meron ako. Yung sulat at drawing niya na hanggang ngayon iniingatan ko parin.Hi, Kamusta ka na kaya?
Hi, Kamusta ka na kaya? Sana ayos ka lang ngayon. :)
Di tulad ko na nalulungkot. Namimiss na kasi kita. :( Walang araw na di kita naiisip. Alam mo, ilang beses ko ng sinabi sa sarili ko na kaya kitang kalimutan pero pilit paring bumabalik ang alaala mo mula sa simula noong minahal kita.
Hindi ko din maintindihan ang sarili ko kung bakit eh. Siguro nga, Nasanay lang talaga akong nandyan ka lang sa tabi ko.
Nagpapasaya sakin sa tuwing nalulungkot ako.
Naging isa sa mga rason ko para gustuhing mabuhay ng matagal.
Na bumubuo ng pagkatao ko.
Alam mo, Miss na miss na kita. Gustuhin ko mang bumalik sa dati pero parang imposible na. Gustuhin ko man sunduin kung ano ang nasa puso ko, Hindi na pwede. Napakahirap para sakin ang pakawalan ka. pero wala narin akong magagawa pa.
Wag ka mag-alala, itatabi ko parin sa puso ko lahat ng alaala mo. Dahil sa ganoong paraan, ito ang magpapaalala sakin na minsan may isang katulad mo na nagmahal sakin.
Kung gusto mong bumalik, andito lang ako sa lugar kung saan mo ako iniwan. Hindi ako aalis, maghihintay ako. Hihintayin kita……
Mahal na Mahal Kita at patuloy kitang mamahalin.. Mananatiling sa’yo ang pag-ibig ko habang buhay.. Hanggang Mamatay.. I love you.. Always.
icantspellyou:
Hindi yung tatanungin ka ng iba, “Bakit kayo naghiwalay? Bakit mo siya iniwan?”, tapos ang isasagot mo, “Ah kasi ganito siya eh, sobrang arte, nakakasakal, sobrang selosa, possessive, blah blah blah”.
Magpaka-gentleman/gentlegirl ka naman. Ikaw na nga ang umiwan tapos pagmumukhain mo pa siyang…
icantspellyou:

icantspellyou:

(Source: sugarslam, via ferlcanmakeadifference)
(Source: darianicolee, via ferlcanmakeadifference)
capturingprincess:
TGIS.
(Source: thegirlinspotlight, via ferlcanmakeadifference)
(via ferlcanmakeadifference)
(via ferlcanmakeadifference)
(Source: yanilavigne, via ferlcanmakeadifference)